Opening number pa lang ay makikipagsabayan na sa sayawan si Pokwang sa Neil-Beth duo. Samantalang ang Happy Feet na may nakakaantig na kwento ay pabibilibin ang lahat sa kanilang tap dancing kasama ang HYY dancers.
Kung sayawan sa HYY ang usapan, hindi maaring mawala ang kwelang-kwelang si Pratty. Kaya’t handa na rin ang Freestylers upang makipag-showdown sa kanya.
Siyempre, ang pinaka-aabangan sa lahat ay ang pagbisita ni PGT grand winner Marcelito Pomoy. Makakasama niya sa kantahan ang biritetro’t biritera ng HYY na sina Randy Santiago at Toni Gonzaga. Aawitin nila ang ilang makabagbag-damdaming piesa.
Samantala, magpapakilig naman ang real-life showbiz sweethearts na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Abangan din ang patuloy ng pagbibigay-premyo ng Ikaw Ang Bida na gaganapin sa isang probinsya sa South.
Walang patid ang talento’t kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali, kasama sina Randy, John Estrada, Mariel Rodriguez, Toni at Pokwang, at sina Bianca Manalo, Melai, John Pratts, Bentong at Matteo.
Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey! mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!
No comments:
Post a Comment