Ngayong Sabado (Hulyo 30) sa "The Bottomline with Boy Abunda," uupo sa hotseat ang kontrobersyal na anak ni Senador Nene Pimentel na si Atty Koko Pimentel.
Sa murang edad pa lang, kinamulatan na ni Koko ang mundo ng pulitika at nasaksihan na niya ang pagsisikap ng kanyang ama bilang mambabatas. At dahil na rin sa impluwensya nito, nag-abogasiya rin si Koko at naging topnotcher pa sa bar exam.
Ngunit tila mailap ang kapalaran kay Koko na maging public official dahil hindi siya pinalad manalo bilang alkalde sa kanilang probinsya sa Cagayan de Oro. At naging kontrobersyal din dahil sa kanyang pagkatalo noong 2007 senatorial elections laban kay Miguel Zubiri. Sa pagkakataong ito, mukhang papabor na sa kanya ang tadhana dahil kamakailan lamang ay nagpatotoo na sina Lintang Bedol at Zaldy Ampatuan na may naganap na dayaan sa eleksyon sa Maguindanao. Ano ang epekto nito sa protestang ipinaglalaban niya sa loob ng mahabang panahon? Umaasa pa ba siyang may hustisya matatanggap sa kamay ng Senate Electoral Tribunal (SET) na siyang lumilitis ng kanyang protesta? At sa karanasan niyang ito, may balak pa ba niyang tumakbo sa darating na 2013 elections?
Mainit, matapang at malalim na talakayan na naman ang inyong masasaksihan ngayong Sabado sa “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.
No comments:
Post a Comment