Monday, August 8, 2011

Mario Maurer Willing to Do a Movie in the Philippines

Pumunta ang The Buzz sa Thailand nitong nakaraang linggo at pinalad makasilip sa isang clothing pictorial ng Thai teen heartthrob na si Mario Maurer. Nagkaroon ng chance ang TV program na ma-interview ang binata na sikat na sikat ngayon sa bansa. Minahal ng mga Pinoy si Mario dahil sa Thai movie na Crazy Little Thing Called Love at marami ang nahumaling sa dugong Chinese-German actor. Dagdag pa niya, malaking oportunidad daw kung makagagawa siya ng pelikula sa bansa. “I never expected I’d get famous in (the) Philippines nor in China or in Taiwan,” simula niya. Bukas din siya na makapareha ng isang Pinay actress.



Ang libangan daw niya ay pagkolekta ng mga vintage car models. “And I collect many books about cars,” dagdag pa niya. Sinabi pa niya na mayroon nga raw siyang maliit na model ng Philippine jeep at itinatago niya ito sa isang cabinet niya sa bahay. Kapag may libreng oras, ang pinagkakaabalahan daw niya, “I usually go skate-boarding (or) go to the gym and lift weights with my friends.”



Meron din daw siyang simpleng pangarap. “I just wanna build a house with a little bit of space and I want to make a garage and next to the garage I want to make a skateboard park. I want to wake up in the garage and walk a little bit and I have my skateboard park.”



Sa tipo naman niyang babae, paglalarawan ni Mario, “I like (a) sweet girl, kinda happy girl, funny girl. I like girls who dress up nice.”



Sinabi pa sa report ng The Buzz kahapon na pinaplano ngayon ng Star Cinema na kunin si Mario para makagawa ng movie sa bansa. “If I have a chance to do a movie in the Philippines (it) would be very great,” anang aktor.



Sinabi rin ni Mario na bibisita siya sa bansa para sa endorsement ng isang clothing brand.



Source: www.push.com.ph

No comments:

Post a Comment