Friday, August 5, 2011

Kapamilya Stars Try to Become Stuntmen on I Dare You

Sa bawat astig na fight scene sa telebisyon at pelikula, mayroong mga stuntman na nagbubuwis ng buhay upang mapaganda ang eksena. Kayanin kaya ng mga sikat na Kapamilya na sina Matt Evans, Chokoleit, at Rap Fernandez ang trabaho nila?



Ngayong linggo sa reality show na “I Dare You,” bibigyang pugay nina Matt, Chokoleit, at Rap ang mga “bidang extra” sa kanilang pagtanggap sa hamong gawin ang iba’t ibang makatindig-balahibong stunts. Layunin nilang ipakita ang tunay nilang pagkatao at maipanalo ng pangkabuhayan showcase ang Bidang Kapamilyang si Tony, isang stuntman na nawalay sa ama at hindi nakapag-aral. Tulad ni Tony, nangungulila rin sa ama sina Rap at Chokoleit, na parehong yumao na ang ama, at si Matt, na hindi pa nakita ang kaniyang tatay.



Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng programa nina Jericho Rosales, Iya Villania, at Melai Cantiveros sa timeslot nito. Noong Lunes (Agosto 1), nilampaso ng programa sa rating na 16.1 percent ang “Gourmet,” na nakakuha lang nga 9.1 percent ayon sa national overnight TV ratings mula sa Kantar Media.



Kayanin kaya nina Matt, Chokoleit, at Rap ang mga hamon? O kailanganin nila ang tulong ng iba pang Kapamilya? Alamin iyan sa “I Dare You,” mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag “Mula sa Puso,” sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment