Thursday, June 23, 2011

Miss Philippines-Earth 2011 on The Bottomline

Muling sasabak sa matinding question and answer portion ang Miss Philippines Earth 2011 na si Athena Mae Imperial sa “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado ng gabi.

Fresh mula sa kanyang pagkakapanalo sa kompetisyon na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan, muling pag-uusapan ang mga bagay na may kinalaman sa kalikasan gaya ng climate change, paggamit ng nuclear energy, alternative sources of power, tree planting, climate change at global warming.

Lumaki si Athena sa Casiguran, Aurora at bago pa makoronahan, nagtrabaho siya bilang isang researcher para sa “Reporter’s Notebook” kaya hindi na bago sa kanya ang mga usaping bayan. Pinapangarap niyang maging isang ‘dokyumentarista’ gaya ng kanyang mga idolong brodkaster sa telebisyon pero inamin nito na hindi niya ipagpapalit ang kanyang korona sa kanyang ambisyon dahil naniniwala siyang may takdang oras para sa iba pa niyang mga pangarap.

Ano nga ba ang sukatan ng tunay na kagandahan? May importansya pa ba ang mga beauty pageants at titles gaya ng Miss Earth sa mga tunay na problema ng kalikasan ngayon? Ano nga ba ang silbi at katuturan nito? Ano ang mensaheng ipinapaabot ng mga patimpalak na ito sa mga manonood, sa mga bata at sa mga kababaihan? Ano nga ba ang posisyon ni Athena sa mga isyung gaya ng Reproductive Health Bill, Divorce, abuso sa mga kakabaihan?

Tatalakayin at hihimayin ng nag-iisang King of Talk kasama ang Bottomliners sa “The Bottomline with Boy Abunda,” Sabado ng gabi, pagkatapos ng Banana Split.

No comments:

Post a Comment