Ngayong gabi na gaganapin ang premiere night ng Amigo, isang pelikula tungkol sa Philippine-American war na sinulat, dinirek at prinodyus ng acclaimed American filmmaker na si John Sayles at pinagsama-sama ang mga magagaling na artista ng industriya ng pelikula.
Isa sa mga bida si Joel Torre na gumanap na si Rafael, ang cabeza del Barrio na nakipag-cooperate sa American colonizers at protektahan ang kanyang mga constituents.
Kilalang magaling na aktor si Joel noon pa man na nag-umpisa sa showbiz na bagets pa lang.
Yup, he began acting at the age of seven sa mga community theater productions sa Bacolod, Negros Oriental. At pagka-graduate niya ng college, sumabak agad siya sa big screen bilang lead star sa epic movie ni Peque Gallaga na sa Oro, Plata, Mata na kamakailan lang ay kinilala ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang isa sa Top Films noong dekada ’80.
Since then, nagkasunud-sunod na ang mga de-kalibreng pelikula ni Joel. Gumanap din siya bilang Jose Rizal.
Bukod kay Joel kasama rin sa Amigo si Rio Locsin na ginampanan naman ang character ni Corazon. Tulad ni Joel, kilalang magaling na artista rin si Rio at hindi na rin mabilang ang mga nagawa niyang pelikula.
Kasama rin nila ang isa pang batikan din sa aktingan, si Bembol Roco. Hindi na rin mabilang ang mga award ni Bembol na kinikilala pa hanggang ngayon ang galing niya sa pelikulang Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag at ang nag-iisang local movie na nakasama sa listahan ng librong 101 Movies You Must See Before You Die. Sa Amigo siya ang guerilla na si Policarpio.
Isa pang pinupuri ang acting ay si Ronnie Lazaro na nakilala sa mga pelikulang ipinalabas sa mga international film festivals. Guerilla ang role niya rito.
Kasama rin at may importanteng role sa Amigo sina John Arcilla, Spanky Manikan, Pen Medina and Irma Adlawan.
Sa Trinoma Cinema gaganapin ang premiere night at isasabay na ang opening ng art exhibit ng Amigo costumes and memorabilia.
The film is being released through Star Cinema and distributed by Origin8 Media.
No comments:
Post a Comment